Tuesday, December 3, 2024
Search
Close this search box.

Calamity Assistance Online Application Advisory from OWWA Region 02

The Overseas Workers Welfare Administration Region 02 has published an advisory regarding the Calamity Assistance Online Application.

Read the content and find out how to apply for cash assistance.

Para sa Mga OFW ACTIVE OWWA MEMBERS na kabilang sa mga apektado ng matinding pagbaha mula sa mga bayan ng Cagayan at Isabela.

Nais naming ipaalam na bukas na ang online application ng Welfare Assistance Program (WAP)- Calamity Assistance para sa ating mga ACTIVE OWWA member OFWs/ OFW families na apektado ng matinding pagbaha sa mga probinsya ng Cagayan at Isabela.

Ang WAP Calamity Assistance ay isang special program para sa mga OWWA ACTIVE members at kanilang mga pamilya na apektado ng mga natural na kalamidad at mga sakuna na nagkakahalaga ng tatlong libong pisong (Php. 3,000.00) tulong pinansyal.

Ang mga kwalipikadong Active OWWA members ay ang mga nakapagproseso o nakapag-renew ng kanilang membership mula Nobyembre 12, 2018 hanggang Nobyembre 11, 2020.

Ngayon, para sa mga kwalipikadong beneficiaries na naapektuhan ng Bagyong Quinta, Rolly, Siony at Ulysses ay isang beses lamang makakakuha ng ayudang nagkakahalaga ng Php. 3,000.00.

Para mag-apply, pumunta sa aming site https://calamity.owwa.gov.ph at punan ang mga kailangang detalye at isumite ang mga kailangang dokumento.

Ang aming tanggapan ay MAGBIBIGAY NG TAKDANG ARAW PARA SA PAG-ABOT NG TULONG PINANSYAL SA KANI-KANIYANG MUNISIPYO pagkatapos masuri at maaprubahan ang mga isinumiteng aplikasyon.

HINIHIKAYAT DIN ANG KOOPERASYON NG BAWAT ISA UPANG MAIWASAN ANG PAGLABAG SA IATF PROTOCOLS LABAN SA COVID 19.

TANDAAN NA TANGING MGA ACTIVE OWWA MEMBERS LAMANG ANG MAAARING MAG-APPLY. Pakitingnan ang mga sumusunod na litrato para sa listahan ng mga munisipyong apektado ng kalamidad. Maraming salamat po!

[button color=”red” size=”medium” link=”https://calamity.owwa.gov.ph ” icon=”” target=”false”]Apply NOW![/button]

How to Apply

Share this post