Saturday, December 21, 2024
Search
Close this search box.

Gusto mong may mabago sa buhay mo?

Did you experience feeling stuck? Yung parang feel mo wala ng direction ang buhay mo. Hindi alam saan magsisimula. Basta feel mo lang may hinahanap ka pero hindi mo alam kung ano yun.

Last 2014, I arrived in the Sultanate of Oman to work as a bedside nurse. At first, I was excited and fulfilled. But then one day, naging routine na lang ang buhay. Babangon, kakain, papasok sa trabaho, uuwi, matutulog.

Same cycle almost every day.

Nakaka pagod. Nakaka torete ng pag iisip.

Every day I prayed to God na sana may mabago sa buhay ko. Sana maging ok ang finances ko. Sana maging ok ang relationship ko sa mga tao. Sana matupad ang mga pangarap ko. Walang katapusang sana. Sana..puro sana.

But while I am praying and hoping for these things to change, I did the SAME things over and over again.

Babangon. Kakain. Papasok sa trabaho. Mag fe-Facebook. Matutulog. Movie marathon.

And then I prayed again.

Until such time na parang nauntog ako and I felt God talking to me telling me, “Jonas, paano kaya may mabago sa buhay mo eh wala ka namang binabago sa sarili mo?”

I was amazed sa realizations ko. And then from that day on, I focus sa mga bagay na kaya kong ma control. My mindset. My dreams. My habits.

If ikaw ang isang klase ng tao na puro na lang “Hopia” sa madaming bagay, I force you to focus sa mga susunod na sasabihin ko. The next thoughts will change your life massively.

Let’s start the ball rolling.



1. INSANITY is doing same things and expecting a different result.

For example, gusto mong maging successful sa buhay. Pero wala ka namang ginagawa. Wala ka ding ginagawa para matupad ang mga pangarap mo. Facebook lang ng Facebook. Kain. Tulog. Chismis. Hilata. Over sleeping.

Tapos ang lakas ng loob mong mag reklamo? It’s ILLOGICAL to hope for things to change where in fact you are not changing. Sabi ng pinsan:) ko na si Chinkee Tan, “May overnight stay, pero walang overnight success.”

Sabi pa ng lolo ko na si Albert Einstein, “Insanity” daw is ginagawa mo ang isang bagay ng paulit ulit tapos nag-eexpect ka ng ibang results.

If you sit in your room, nag Facebook ka lang, or nanood ka lang ng movie, tapos gusto mo ma zero out ang utang mo or magkaroon ka ng output o kaya gusto mo pumayat pero lamon ka naman ng lamon eto ay KALOKOHAN!

Eto ang napaka NON-SENSE na ginagawa ng madaming tao.

Gusto mong mag karoon ng additional income tapos natulog ka.
Gusto mong maka ipon pero wala kang financial plan.
Gusto mong maging masaya pero di ka naman nakiki connect sa mga tao.
Gusto mong mag shift ng career pero wala ka namang skills na dinedevelop.

Gusto mong may mabago sa buhay mo? Baguhin mo ang habits mo. Baguhin mo ang diskarte mo sa buhay. Baguhin mo ang mindset mo. Baguhin mo ang mga routines mo.

2. Don’t ask GOD to water your plants if in the first place, you did not PLANT!

“Lord, please nourish my plants” naging prayer ko to lagi.

Few years ago, I always ask God to give me more money. Literal na dasal na sana mabayaran ko na lahat ng utang ko. Na sana magkaroon ako ng kita sa mga negosyo ko.

And then God said again to me, “Jonas, how can I water your plants kung wala ka namang itinanim?”

Ouch Lord! Masakit na naman na pagkakauntog. But then I realized, how can God water my plants kung sa simula wala naman akong itinanim.

Example, gusto kong mag karoon ng extra income. Kaso wala naman ako ginagawa. I don’t check for opportunities. I don’t risk. I don’t try.

The “seeds” that you will plant will make a big impact in your life.

Bago ka mag dasal sa Panginoon na diligan ang halaman mo, mag reflect ka muna kung may itinanim ka ba.

I pray to God na sana ibless nya yung pangarap kong magkaroon ng book.  Pero natutulog lang ako. Hindi naman ako nagsusulat. Nakakatawa pero sobrang illogical.

Do you want God to flourish and water your plants? Mag tanim ka muna.

Plant opportunities. Plant businesses. Plant in your dreams. Plant in your daily routine.

I promise, na pag may binago ka sa ROUTINE mo, at may itinanim ko, you will experience CHANGE in your life.

I hope na bless ka today.

I pray for your success.

Share this post