Saturday, December 21, 2024
Search
Close this search box.

Free E-Book: Hanggang Kailan ka sa Abroad?

Few years ago, nung mga 6 months palang ako dito sa Oman, I told my colleague sa hospital, “Three years lang ako sa abroad and then uuwi na ako for good.”

At eto ang response nya sa akin na pinausok ilong ko, “Ganyan din ako dati. Sabi ko 2 years lang ako pero halos 7 years na ako dito. Ang hirap mag for good.”

I was irritated the way he responded. Yung feeling ko na jina-judge ang capacity ko na makaipon at makauwi ng Pilipinas.

Three years later. Here’s the HORRIBLE thing that happened.

LUBOG ako sa utang.
Lugi lahat ng mga negosyo ko.
Na-scam ako (Di lang ng pera pati na din ng feelings, hehe)
Wala akong ipon.
May loan pa na 2 years to pay.
May utang sa credit card.

Which means yung 3 years ko na plan na umuwi BOKYA! WALEY!

I was recollecting yung sabi ko na three years lang ako but I don’t have the power to go home. I HAVE mountain of BILLS at UTANG to pay.

Felt lost na sa aking OFW journey, I told myself I needed to do something. Ayaw kong tumanda na malayo sa pamilya ko. I read so many suggestions and first thing na natutunan ko is embracing personal development. Sabi ko wala naman sigurong mawawala if I embraced personal development. I prayed to God to redirect me. And then I started writing my goals again and made the commitment to sacrifice and embrace discipline para may mabago sa buhay ko.

Sobrang mahirap bayaran lahat ng mga utang at pati na din bumangon sa lahat ng lugi na negosyo.

But I embraced personal commitment to really move forward. Lahat ng books about financial literacy, goal setting, success principles, etc., binasa ko lahat yon because I really wanted to experience a change in my life abroad.

Few years later, I was able to get back up. Nakatayo ulit. Nakapagsimula ng maliliit na negosyo. Unti unting nabayaran ang mga utang and now I can already live and survive in the Philippines.

Here’s what I learned and I want to preach this to you: KUNG GUSTO MONG MAY MABAGO SA BUHAY MO, KAILANGAN MAY BAGUHIN KA SA MGA HABITS MO.

Change will only come, if you change your mindset and your actions.
Hindi pwedeng natulog ka lang tapos kinabukasan bayad mo na lahat ng utang mo at madami ka ng negosyo.

Sabi ni Chinkee Tan, “Merong Overnight STAY pero walang Overnight SUCCESS.”

Gusto mong may mabago sa buhay mo? Then GALAW GALAW!

Madami akong nakakausap na kapwa ko OFWs and karamihan sa kanila gusto na nilang umuwi ng Pilipinas at makasama ang asawa or anak nila. IT IS POSSIBLE. BUT IT IS ALSO DIFFICULT.

My journey and my success in my stint here abroad are embedded in a SHORT EBOOK entitled, “HANGGANG KAILAN KA SA ABROAD? Five tips paano makapag for good sa Pilipinas.” And I am giving it all away for free. I hope you take advantage of the gem I have written in my book.

Click this link: https://www.usapangofwbyjonasdupo.com/hanggang-kailan-ka-sa-abroad-free-e

Get ready to be blessed.

Your friend in Christ,

Jonas Dupo
Preacher at the Feast Oman
Author, Overseas to Overflowing Richness

Share this post