Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Administrator Margaux “Mocha” Uson on Tuesday defended her action of gathering overseas Filipino workers (OFWs) quarantined in a Matabungay, Batangas, resort for the distribution of hygiene kits, among others.
In a Facebook post, the pro-Duterte blogger said the OFWs were reminded to follow the guidelines imposed by the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) on enhanced community quarantine (ECQ).
Patungkol sa isyu ng “mass gathering” sa Matabungkay, Batangas
Noong ika-25 ng Abril 2020, tumungo ang OWWA sa isa sa mga quarantine facilities sa Matabungkay, Batangas, kung saan nananalagi ang mga nakauwing OFWs mula sa iba’t ibang bansa. Maliban sa pagbigay ng mga hygiene kits na kailangan ng mga OFWs sa kanilang pagkumpleto ng 14-day quarantine, kami rin po ay nagdala ng mahahalagang mensahe:
Amin po silang pinaalalahanan ng mga alituntunin na dapat sundin sa panahon ng ECQ, tulad ng social distancing at hindi paglabas sa kanilang quarantine facilities, dahil may mga nakarating na balita sa aming tanggapan na may mga OFW na nananalagi sa tabing-dagat ng Matabungkay. Ang kanilang diumano’y pamamalagi sa labas ay hindi ayon sa quarantine protocols, na siyang nilang dapat iwasan para hindi sila katakutan o husgahan ng mga lokal na komunidad sa kanilang quarantine facility.
Kami rin po ay nagpunta sa quarantine facility na ito para kamustahin ang ating mga OFWs, na siya rin naming ginagawa sa iba’t ibang quarantine facilities. Hindi lingid sa ating kaalaman ang pinagdaraanan ng ating mga OFWs. Maliban sa stress na kanilang pinagdaanan matapos mastranded ng ilang oras, sila rin ay kumakaharap sa diskriminasyon ng mga lokal na komunidad sa pangambang may dala silang virus. Ang kanilang pananatili sa quarantine facilities ay siya ring nagpapatindi ng kanilang lumbay sa pagkawalay sa kanilang mahal sa buhay. Ang lahat ng ito ay malaking dagok para sa kanilang isip at damdamin, na kung tutuusin ay hindi nila dapat maranasan kung wala ang CoVid-19. Ang pagbisitang ito rin sa kanila ay aming ginawa upang palakasin ang kanilang loob, at ipabatid sa kanila na hindi sila pinapabayaan ng ating administrayon.
Kami ay bumisita nang may mahigpit na pagsunod sa mga alituntunin ng IATF, mula pa nang nagsimula ang ECQ noong ika-15 ng Marso. Amin po lamang sinisiguro ang ating mga OFW, ang ating mga bagong bayani, ay ligtas at malayo sa anuman uri ng panganib sa panahong ito ng CoVid-19 pandemic.
Taos-puso po akong nagpapasalamat sa inyong pag-unawa.