Eto ay para sa lahat ng OFW, may mga kaibigan,may mga kakilala, o may mga kapitbahay na OFW.
It’s been 4 years nung umalis ako ng bansang pilipinas and embraced my destiny as an Overseas Filipino Worker.
I experienced the hardships na sinasabi nila. Living on your own. Makipagsapalaran sa ibang bansa na di alam ang mangyayari. Malayo sa pag aaruga ng mga mahal mo sa buhay. It’s one of the scariest moments in my life but I embraced it. I was brave enough na harapin lahat ng mga pagsubok na mag isa malayo sa pamilya ko at mga kaibigan.
Every year, we were given the privilege to go home and rest. We call it annual leave. And so we are excited. Kasi sa isang taon may isang buwan kami where we will have a glimpse of the lives that we always wanted. Yung matulog kasama ang magulang or mga kapatid namin sa isang bubong lang. Mind you, it was the best feeling na pwedeng ma experience ng OFWs. Yung umuwi to hug and talk to our family members, relatives, friends or even past co-workers. Ang sarap sarap sa pinas. Lalo na sa amin na nag tatrabaho sa Middle East, pati ulan, nagiging attraction sa amin. Nakakamiss ang pinas. At ang sarap mabuhay sa pilipinas.
However, for many years na umuuwi ako lagi. I always had these irritations and struggles na rin. I know this is not just a struggle na ako lang ang nakaka experience but also my fellow Overseas Filipino Workers. Eto yung mga salitang, “Uy pasalubong naman. Uy pakain ka naman. Uy libre naman dyan.” Ng walang kalatoy latoy. I know I will be hated for this post by some, but I need to make a stand. Your OFW friends miss you so much. Gusto nila kayo Makita, makasama, maka kwentuhan at mayakap. And it’s a sad thing na ang bungad lagi ay ang mga salitang eto when you go home.
Unang una, hindi sila ganun kayaman. For some maybe, pero lahat tayo we are all working. Trying to make ends meet. Trying to build our dreams. Madami din kami pinagkakagastusan. And sometimes mas madami pa kaming problema sa bills kesa sa mga nandito sa pinas. And it is always a struggle to pressure them. Pwedeng mag message naman kayo ng “Kumusta ka?” “Glad you’re back!”, “Welcome home, enjoy your vacation.” Earning a bigger salary equates something. Ang kapalit nun ay yung pamumuhay mag isa na may takot baka kung anong mangyari sa mga pamilya namin habang malayo kami. Nakakalungkot na ang iba, eto na ang naging tingin nila na basta OFW, madaming pera. Kung madami na kaming pera, di na kami babalik ng ibang bansa.
Pangalawa, wag naman kayo magalit kung hindi kayo nameet or hindi kayo nabigyan ng pasalubong. Yung pag uwi ng isang OFW ay oras sana para sa pamilya at oras ng pahinga. We are far away from our family and ang binabayaran sa amin is yung 24 hours naman na malayo sa pamilya. I experienced many times na may nagtatampo sa akin dahil di ko sila nameet or nabigyan ng oras. Minsan, our time is spent lagi sa mga pamilya namin na ang tagal naming di nakikita. It is not healthy na mag lagay lagi ng pressure sa mga kababayan nating OFWs. Alam ko naman, sa iba, na may extra money or extra time, they will make a way to meet yung mga relatives nila or mga kaibigan nila.
I really hope na sana buksan natin ang pangunawa natin.
I am writing this not to ignite hate but to at least encourage understanding.
Please sana unawain natin ang mga relatives natin or kaibigan natin na OFW.
Sana we will respect and love each other more.
Godbless everyone.
Ang kaibigan nyo,
OFWChamp
This article originally appeared on: https://www.facebook.com/story.php?story_fbid=1922342074453960&id=1917081064980061
Follow Jonas Dupo’s Facebook page: https://www.facebook.com/championsOFW
If you have your personal stories as an OFW and you want to share with us so that we can publish to encourage our kababayan, you can get in touch with via our Facebook page or through this link https://www.juaninoman.com/contact-us/
The Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) has officially announced that applications for its scholarship programs,…
The Department of Foreign Affairs (DFA) said preparations are ongoing for the implementation of online…
Starting this September, the Philippine Embassy will now be open every last Friday of the…
The Land Transportation Office (LTO) is set to roll out an online platform for driver's…
In today's digital age, social media has become more than just a platform for staying…
Calling all Filipinos working abroad! The Department of Migrant Workers (DMW) wants you to know…