Overseas Filipino Workers, our modern-day heroes or “Bagong Bayani”, when you hear these words perhaps you might have a different perspective of what an OFW is, as there are different stories from each individual.
Happy, successful, sad, traumatic, and enduring stories.
There are as many tragic stories that speak to the challenges that migrants and overseas workers face. The many Filipinos that have left unprepared have had to endure abusive working and living conditions, contract violations, exploitation, discrimination and social exclusion. They are at times deprived of political participation, social protection, and retirement benefits. Their children are left to fend for themselves, they suffer broken marriages and disconnection with life in the Philippines.
As part of our 3rd Anniversary Giveaway, we asked you to submit your OFW stories. Today, we have selected the most touching story of being an OFW, join us as we announce the winner.
Read the winner’s story below:
Makuwento ko Lang po sir Juan in Oman Ang aking naranasan dito sa amo dito sa Oman. Dati akong nagtrabaho sa Qatar, Malaysia, Palau, kuwait na ok Naman Ang naging amo ko sa mga bansa na aking napuntahan. Mababait Ang mga naging amo ko.
Dito ko Lang naranasan ang hirap na naranasan ko sa pamilyang ito. Kung gaano kabait Ang mga naging amo ko sa mga napuntahan ko ganun Naman Ang kabaliktaran Ng amo ko sa ngayon. September 2019 nagkasakit Ang aking ama at kelangan ko ng pandagdag na pera sa magastos sa hospital nagsabi ako sa amo ko na Kung maaari ay kunin ko Ang kalahati sa sahod ko Ng October. Pero Hindi ako pinagbigyan Ng amo ko na Alam Niya na nasa hospital Ang aking ama.
Kaya nagdasal nalang ako na Sana may taong tutulong sa akin para sa kelangan Ng aking ama. At dininig nga Ng Diyos Ang dasal ko. Nagmessage Ang panganay na kapatid Ng aking Ina na siya na bahala sa kulang at mga pangangailangan Ng aking ama sa hospital. At Yun nga naoperahan Ang aking ama sa kanyang Baga na tinanggalan Ng tubig sa kanyang Baga Ng limang araw na may tubo sa tagiliran Ng aking ama. Awang AWA ako sa aking ama sa tuwing nagvivideo call kami.
Ang sakit sa dibdib dahil dalawa Lang kaming magkapatid napilitan huminto sa trabaho Ng aking kapatid para may karamay Ang aking Ina sa pagbantay sa hospital. Kulang dalawang buwan sa hospital Ang aking ama. Kaya ako dito sa Oman lahat Ng sahod ko pinapadala ko para may magamit sila. Nung nasa hospital Ang aking ama Ang bigat bigat Ang aking dibdib dahil Ang salita niya sa akin gusto pa niyang mabuhay kaya siya lumalaban sa sakit Niya. Na gusto pa Niya akong mayakap at makasama Ng matagal.
At huling salita Niya sa kin na “I love you so much anak” sobrang tulo Ang luha ko sa narinig ko sa king ama. At akoy nagpasyang nagpaalam sa aking mga amo na uuwi ako sa pinas para man Lang Sana makasama ko pa at may karamay sa pagbantay sa hospital Sana. Pero Ang sama sama Ng ugali Ng aking mga amo. Hindi ako pinayagan na uuwi. November 10 nilipat sa Tuguegarao Ang aking ama dahil Ang Sabi Ng Dr. Ng aking ama di na kaya magamot Ang aking ama.
Dahil mas lalong lumalala Ang sakit. Pagdating sa Tuguegarao puno Ang hospital Walang bakante na kuwarto kahit sa way hall puno at nagpasya Ang aking Ina na ilipat sa Santiago City at bumalik nga sila sa Isabela. Pero dahil Gabi na at pagod na pagod Ang aking ama sa pagbiyahe nagsabi siya na dun muna sila sa bahay uuwi muna at gusto makita Ang mga Apo at saka nalang siya idala sa Santiago City. Dahil ganun Ang hiniling Ng aking ama inuwi siya sa bahay. November 11 2019. Namatay Ang kapatid ng aking ama na panganay sa magkakapatid. Namatay sa sakit na Colon cancer. At sa araw din Yan tinakbo agad agad Ang aking ama sa Hospital dahil hirap makahinga.
Pero hindi Niya Alam na patay na Ang kanyang ate. Dahil litong lito Ang aking kapatid at aking Ina sa nakita nila sa sitwasyon Ng aking ama. Buti nalang nandun Ang pang pitong kapatid at bunsong kapatid Ng aking ama. Sila na Ang nagtanong Kung ano ba talaga Ang nakita nilang sakit Ng aking ama. Ang Sabi Ng Dr. Ay Cancer sa Baga at stage 4 na Ito at Ang masakit Ang nasabii Ng Dr. Na isang linggo nalang Ang natirang araw sa buhay Niya. Kaya ako dito labis na nagmamakaawa sa mga amo ko na uuwi ako kahit uutang ako Ng pambili ko Ng ticket ko Basta makasama ko Lang aking ama Ng ilang araw man Lang Sana. Pero bato Ang puso Ng aking among lalake.
Ang amo Kong babae pumayag na siya nung sinabi ko ako Ang bibili Ng ticket pauwi at pabalik dito. Pero Ang amo Kong lalake Hindi parin pumayag. November 14,2019 tumawag Ang aking panganay na anak, binalita na patay na Ang aking ama. Bumuhos Ang luha ko sa sobrang lungkot dahil Hindi man Lang ako pinagbigyan na umuwi habang buhay pa ang aking ama. Dahil sa ayaw nga akong payagan pauwiin Ng aking among lalake. Nagtulungan Ang agency ko sa Pinas at dito sa Oman para makauwi ako.
At sa tulong Ng Agency dahil ayaw parin akong pauwiin Ng amo Kong lalake nagpasya Ang agency sa Embassy nalang kami lumapit at salamat sa agency at embassy natin natulungan ako pakiusapan Ang aking among lalake upang akoy makauwi. Dahil sa sobrang walang tiwala Ang amo Kong lalake hinanap Ang death certificate Ng aking tita at aking ama. At may napakita Naman ako sa aking amo. Kaya yun pumayag na siya akoy uuwi pero dalawang linggo Lang daw ako sa pinas.
Ang ticket ko Naman na inutang ko sa kapitbahay ko sa Pinas na nandito sa Oman dito sila nagtatrabaho Ang mag asawa sila Ang nag booking sa akin. At ginawang tatlong linggo ko sa Pinas. At Ang sahod ko Lang Ng 20 days Ang binigay nila nung umuwi ako. Ang sakit sir Juan in Oman na uuwi sa Pinas na kitang Kita ko na Ang aking ama Ang nasa loob Ng kabaong. Oo sir, Isa akong papas girl kaya halos bumagsak Ang langit sa akin nung nakita ko Ang aking ama.
Na hanggang ngayon kahit ilang buwan na Wala Ang aking ama lagi ko parin siyang iniiyakan.
At Sana makayanan ko tapusin Ang kontrata ko sa mga amo kong Ito at di ko na sila babalikan I di na mag extend Ng kontrata dahil sa pahirap nila sa akin nung sa kalagayan Ng aking ama.
Salamat sa pagbasa sa aking kalungkutan nararamdaman hanggang ngayon😓😓😓😓