Categories: OFW News

Things to know about OWWA OFW E-Card and how to apply

Are you a Balik-Manggagawa? Are you an active OWWA member and possess a valid OEC/Exemption Number? Good news mga Kabayan! You can now apply for a free OWWA OFW e-CARD for Membership and Benefits.

Bisitahin ang OWWA website www.owwa.gov.ph hanapin, at i-click ang banner na nasa ibaba.

Or you can simply visit this link: https://ecard.owwa.gov.ph/

Frequently Asked Questions

1. Ano ang OWWA OFW e-CARD?

Ang OWWA OFW e-Card ay katibayan ng pagiging active member ng OWWA na naglalayong mapabilis ang pag-access sa mga programa at serbisyo ng OWWA. Ito rin ay kinikilalang government-issued ID at maaaring iprisinta sa anumang Philippine Overseas Labor Office (POLO) at Embahada o Konsulado sa ibang bansa sa sandaling mangailangan ng tulong o serbisyo.

2. Sino ang pwedeng mag-apply para sa OWWA OFW e-CARD?

Lahat ng Balik-Manggagawa na may active OWWA membership, valid Overseas Employment Certificate/Exemption Number at valid passport ay maaaring mag-apply ng OFW e-CARD.

Tandaan na dapat ay may bisa pa ng higit sa 90 araw ang iyong OWWA membership mula sa araw ng iyong application para makakuha ng OFW e-CARD.

3. Pwede na bang mag-apply ang mga bagong-alis na OFWs?

Sa kasalukuyan ay nasa Phase 1 pa lamang ang OWWA OFW e-CARD kaya’t mga Balik-Manggagagawa muna ang unang mabibigyan. Ilulunsad din sa mga susunod na buwan ang Phase 2 ng OFW E-Card kung saan ang ibang active member ng OWWA na hindi nakasama sa Phase 1 ay maaari na din mag-apply ng OWWA OFW e-Card.

4. Sino ang Balik-Manggagawa?

Ayon sa POEA Rules and Regulations, ang Balik-Manggagawa ay isang OFW na nakatapos o kasalukuyang tinatapos ang employment contract at:  a. Babalik sa parehong amo/employer sa dating lugar ng trabaho b. Babalik sa parehong amo/employer sa bagong lugar ng trabaho. Ang mga new-hires, direct-hires, at Government Placement Branch (GBP)-hired workers ay HINDI kabilang sa mga Balik-Mangagagawa.

5. Anu-ano ang mga benepisyong makukuha sa OWWA gamit ang OWWA OFW e-CARD?

Ang OWWA OFW e-CARD ay mayroong iba’t-ibang benepisyo para sa mga active OWWA member, katulad ng mga sumusunod:

  1. Mas mabilis na pag-avail sa mga programa at serbisyo ng OWWA
  2. Magsisilbing exit clearance palabas ng bansa
  3. Pagkakaroon ng Digital OWWA OFW e-CARD sa OWWA Mobile App na maaaring gamitin tulad din ng OWWA OFW e-CARD
  4. Pagkakaroon ng permanenteng OWWA/ OFW membership number
  5. Kinikilalang government-issued Identification Card

6. Paano ko malalaman ang status ng aking OWWA Membership?

Para malaman ang status ng OWWA Membership, maaari ninyong I-download ang OWWA Mobile App sa lnyong smart phone. Libre Ito sa Google Play at App Store. Maaarl din kayong pumunta sa POLO-OWWA kung lkaw ay nagtatrabaho sa lbang bansa o di kaya’y sa plnakamalaplt na OWWA Regional Welfare Office sa lnyong lugar kung ika’y nasa Plliplnas.

7. Kung expired na ang aking OWWA Membership, saan ako pwedeng magrenew?

Kung expired na ang lnyong OWWA membership ngunit mayroon pa ding aktlbong kontrata, maaarl kayong magrenew sa mga sumusunod na pamamaraan:

  1. Online
    –  Bisitahin and OWWA website www.owwa.gov.ph at hanapln lamang ang mensahe sa gawing itaas ng Online Application Form para sa OWWA OFW e-CARD
    – Maaari din kayong magrenew sa pamamagitan ng OWWA Mobile App
  2. Sa Abroad
    – Magtungo sa POLO-OWWA office sa lnyong bansa
  3. Sa Pilipinas – Pumunta sa OWWA Regional Welfare Offices at sa mga satellite offices ng OWWA na matatagpuan sa POEA Ortigas, NAIA Terminal 1, 2, at 3, Trinoma, at sa Duty Free Fiesta Mall.

8. Paano ang proseso sa pag-aapply para sa OWWA OFW

9. Paano kung ako ay exempted sa pagkuha ng OEC?

Ang mga Balik-Manggagawa na exempted sa pagkuha ng OEC ay dapat mag-register sa POEA Balik-Manggawa Online para makakuha ng BM Exemption Number.

Sa halip na OEC number, maaaring ilagay ang inyong BM Exemption Number sa Online Application Form para sa OWWA OFW e-CARD.

10. Paano ko makukuha ang aking OWWA OFW e-CARD?

Hanapln sa online application form ang mga pwedeng pagpiliang OWWA Regional Welfare Offices kung saan mo gustong ma-pick up ang lnyong OWWA OFW e-CARD.

11. Kung ako ay nasa abroad pa, maaari ba akong mag-apply ng OWWA OFW e-CARD?

Oo. Ang mga Balik-Manggagawa na nasa abroad pa ay maaaring mag-apply ng OWWA OFW e-CARD onllne sa www.owwa.gov.ph. sa kasalukuyan, ang pick-up location para sa OFW e-CARD ay limltado sa OWWA Regional Welfare Offices sa Plllpinas. Maaarlng kunin ng OFW ang kanyang OWWA OFW e-CARD pagdating niya sa bansa.

Tandaan na ang OWWA membership ng isang OFW ay hindi dapat bababa sa 90 days mula sa araw ng pag-aapply para makakuha ng OWWA OFW e-CARD.

12. Pwede ko bang makuha ang OWWA OFW e-CARD kahit nasa abroad pa ako?

Pwede. Magbigay lamang ang OFW ng Authorization Letter sa otorisadong kamag-anak kalakip ang kopya ng Passport Identification Page ng OFW at iprisinta ito sa napiling OWWA Regional Welfare Office.

13. Paano kapag nawala ang aking OWWA OFW e-CARD?

Ang OWWA OFW e-CARD ay libre lang sa unang pagkuha. Makipag-ugnayan sa pinakamalapit na OWWA Regional Welfare Offce para sa impormasyon kung paano makakuha ng panibagong OWWA OFW e-CARD.

You can apply online through this link http://ecard.owwa.gov.ph/

Track your OWWA OFW e-CARD application here: https://ecardtracker.owwa.gov.ph/

Share
Published by
Juan in Oman

Recent Posts

OWWA Scholarship Application for SY 2025-2026 is Now Open!

The Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) has officially announced that applications for its scholarship programs,…

2 days ago

DFA and Comelec Gear Up for 2025: Online Voting for Overseas Filipinos Set to Launch

The Department of Foreign Affairs (DFA) said preparations are ongoing for the implementation of online…

3 months ago

Philippine Embassy in Muscat is open every last Friday of the month

Starting this September, the Philippine Embassy will now be open every last Friday of the…

3 months ago

LTO to Launch Online Driver’s License Renewal for OFWs This Year

The Land Transportation Office (LTO) is set to roll out an online platform for driver's…

3 months ago

5 Ways to Earn Via Social Media as an Overseas Filipino Worker

In today's digital age, social media has become more than just a platform for staying…

3 months ago

Introducing the better and improved DWM Mobile App – OFW Pass

Calling all Filipinos working abroad! The Department of Migrant Workers (DMW) wants you to know…

4 months ago